KC at Kiko, hindi pa in touch

Sharon nagsalita
Aminado si Senator-elect Kiko Pangilinan na hindi pa sila in touch ni KC Concepcion. Ito nga ang sinabi ng bagong senador nung nakausap siya sa nakaraang presscon ng ilang entertainment press bilang tulong ng Regal Entertainment sa kanyang kandidatura bago naganap ang May 12 elections.
“Sila - KC and Sharon - in touch. Ako, in time. Lahat ng pamilya, mayroong tampuhan, so I pray, in time, it will be resolved,” kumpisal that time ng stepdad ni KC.
Pero hindi raw tungkol sa pera ang naging intriga sa kanila kaya sila nag-away-away.
“Mayroong lumabas noon na nag-aaway daw ‘yung mga anak ko dahil sa pera, wala nga kaming minana sa tatay at nanay ko at buhay pa naman kami. Ano ‘yun? Napakababaw,” naiiling na sabi ni Mega.
“Actually, ang pinag-awayan nila, medyo may kababawan pero normal naman (‘yan) sa magkakapatid. Ganu’n lang ‘yun,” paliwanag pa ni Ate Shawie.
Sinabi rin ni Megastar na handa naman siyang maging bridge upang maayos ang relasyon ng ‘mag-ama.’
Pareho raw niyang mahal sina Sen. Kiko at ang kanyang panganay: “matagal na, siyempre naman. Panganay ko ‘yon tapos asawa ko siya. Mahal na mahal naman niya ‘yung bata (KC).”
Kelan kaya sila magkakaayos?
Lalo na at nanalo na si Sen. Kiko na ayon sa mga analyst ay malaki ang naitulong ni Ate Shawie.
- Latest