Pacquiao, nagpasalamat sa anak ni Freddie Aguilar

Matindi ang pagluluksa ni Manny Pacquiao sa pagpanaw ng isa pang haligi ng Original Pilipino Music (OPM) na si Freddie Aguilar habang naka-confine sa Philippine Heart Center sa edad na 72.
Walang nabanggit na sanhi ng kanyang kamatayan pero matagal-tagal na ring nababalita na meron itong sakit.
Ayon sa post ng natalo sa pagka-senador noong nakaraang midterm elections: “I am deeply saddened by the passing of Freddie Aguilar, a true legend and icon of Original Pilipino Music.
“His song “Anak” touched my heart. It spoke to me, and to millions of people around the world. Totoong-totoo ang bawat salita. Ramdam mo ang sakit, ang pagsisisi, at ang pagmamahal ng isang anak.
“Freddie’s music went beyond generations. It made us proud to be Filipino. His voice carried the soul of our nation.
“Malaki ang naiambag niya sa kultura at musika ng Pilipinas. Hindi natin siya malilimutan.
“To his family and friends, my heartfelt condolences. May you find strength in the legacy he leaves behind.
“Thank you, Freddie, for the music. Thank you for telling our stories.
“Paalam, Ka Freddie.”
Massive ang naging kasikatan ng kanyang kantang Anak na ayon sa reports ay isinalin ito sa 29 na wika ng 53 bansa na ginamit pa bilang theme song ng Korean film na Gangnam Blues na pinagbibidahan ni Lee Min-ho.
Sinulat ni Freddie ang kantang iyon noong 1976, na ni-record ni Vicor makalipas ang dalawang taon.
- Latest