5 government execs pinasasagot ng Ombudsman

Sa pag-aresto kay Duterte
MANILA, Philippines — Pinasasagot ng Office of the Ombudsman ang limang government officials sa reklamo ng panel on foreign relations sa pangunguna ni Sen. Imee Marcos ukol sa legalidad ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Sa kautusang ipinalabas ng Ombudsman, inaatasan sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla; Interior Secretary Jonvic Remulla; PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil; PNP-CIDG chief PMGen.Nicolas Torre III at Special Envoy for Transnational Crimes Markus Lacanilao na maghain ng counter-affidavit para sa administrative at criminal cases.
Matatandaang pormal na isinumite ni Marcos sa Ombudsman ang ulat ng Senado kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte para dalhin sa The Hague, Netherlands.
Ayon sa liham na kalakip ng ulat, ibinunyag ng imbestigasyon ang posibleng mga krimen at administratibong paglabag ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno.
- Latest