Police vlogger na si Pat. Fontillas tanggal sa serbisyo

MANILA, Philippines — Tuluyang nang tinanggal sa serbisyo ang kontrobersiyal na police vlogger na si Pat. Francis Steve Fontillas makaraang mapatunayan guilty ng National Police Commission (Napolcom) sa pagbatikos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa Philippine National Police sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Napolcom Vice Chairman Rafael Vicente Calinisan, ‘unanimous’ ang desisyon ng Napolcom en banc sa pagdismis kay Fontillas na napatunayang nagkasala ng grave misconduct, conduct unbecoming of a police officer at disloyalty to the government.
Hindi na rin makakapuwesto sa anumang government office si Fontillas. Ani Calinisan, magsilbing babala sa lahat ng pulis ang kaso ni Fontillas at iwasan ang pa partisan politics.
Matatandaang umalma ang PNP sa ginawang vlog ni Fontillas kung saan kinondena nito si Marcos at PNP sa pag aresto kay Duterte noong Marso.
Tiniyak ni Calinisan na hindi nila papayagang dungisan ng sinumang pulis ang imahe ng PNP.
- Latest