NAPOLCOM lulutasin kaso vs mga pulis sa loob ng 60 araw

MANILA, Philippines — Tiniyak ni National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairperson at Executive Office Rafael Vicente Calinisan na ipatutupad nila ang 60-day resolution laban sa mga kasong isinampa sa mga pulis.
“Hindi na maaari at hindi na puwedeng mabagal ang takbo ng kaso sa NAPOLCOM. Hindi na maniniwala ang taumbayan,” ani Calinisan.
Ani Calinisan sisimulan ang pagresolba sa mga kaso sa unang araw ng pagsasampa ng reklamo. Aniya, paraan ito upang ipakita sa publiko na sinsero ang pamahalaan na tugunan ang mga nakasampang kaso laban sa mga pulis.
Sinabi ni Calinisan na mahigpit ang kautusan ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na tutukan at iprayoridad ang mga nakabinbing kaso.
Sa katunayan, naresolba na ang kaso ni Patrolman Francis Steve Fontillas at nadismis na ito sa serbisyo gayundin ang dalawang kaso na 18 at 21 taon nang nakabinbin., as well as the resolution of two long-pending cases filed 21 and 18 years ago.
- Latest