^

Bansa

139 ebidensya pa vs Duterte inihain ng ICC prosecutor

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
139 ebidensya pa vs Duterte inihain ng ICC prosecutor
Former president Rodrigo Duterte attends first ICC hearing via videolink.
Philippine Star / Facebook page

MANILA, Philippines — Nagsumite na ang prosecutor ng International Criminal Court (ICC) ng ikalawang batch ng ebidensya na naglalaman ng 139 items laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte na nahaharap sa kasong crimes against humanity dahil sa kanyang war on drug campaign.

Sa ipinadalang dokumento noong Mayo 5 ni ICC Prosecutor Karim Khan sa ICC Pre-Trial Chamber 1, ang bagong set ng mga ebidensya ay ipinadala sa defense team ni Duterte noong Abril 30, 2025. Ang naunang grupo ng mga ebidensya laban kay Duterte ay isinumite noong Marso.

Sinabi naman ni Khan na ang 139 items ay inorganisa sa 4-disclosure packages, tulad ng contextual elements, modes of liability, murder noong panahon na Mayor pa ng Davao City si Duterte at murder sa ilalim ng barangay clearance operations noong panahon ng kanyang termino sa pagka-pangulo.

Ayon naman kay ICC-accredited lawyer at isa sa abogado ng EJK victims na si Gilbert Andres, ang mga bagong batch ng ebidensya ay nagpapakita na mayroong elemento ng crimes against humanity sa crackdown ng illegal drugs campaign ng ­dating Pangulo.

Sinabi ni Andres na ang mga ebidensya ay nagpapakita na mayroong opisyal na polisiya sa likod ng mga pagpatay na nauna na rin pinabulaanan ni Duterte.

Sa opisyal na record ng gobyerno, lumalabas na mahigit sa 6,000 ang namatay sa drug war ni Duterte at karamihan dito ay pawang mga mahihirap na suspek na drug ­users at ­dealers, subalit sa pagtaya ng human rights group, ang bilang ay maaaring umabot pa sa mahigit 30,000.

Nakatakda namang dumalo sa hearing para sa confirmation ng charges si Duterte sa Setyembre 23.

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »