^

Bansa

VP Sara binigyang pagkilala sakripisyo ng mga ina

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyang-pagkilala ni Vice President Sara Duterte ang sakripisyo ng mga kapwa niya ina, sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina nitong Linggo.

Sa isang video message, sinabi ni VP Sara na kahanga-hanga ang mga ina ng tahanan dahil sa walang sawang pagpapakita ng pagmamahal, na tapat at hindi matutumbasan o maikukumpara.

Pinasalamatan din ni Duterte ang lahat ng ina at yaong umaaktong ina, para sa kanilang katatagan, sakripisyo, at purong pagmamahal para sa kanilang mga anak at mahal sa buhay.

“Sa bawat araw na inilalaan ninyo sa inyong pag-aaruga, pagtatagu­yod, at paggabay sa inyong mga anak at mahal sa buhay, isinasabuhay ninyo ang uri ng pagmamahal na tapat, dalisay, at walang kapantay,” mensahe ng bise presidente.

Dagdag pa niya, “Bilang mga anak at bilang mga inang patuloy ding natututo, ang aming sukli ay pagmamahal, paggalang, at ang pagsusumikap na mamuhay nang may dangal, malasakit, at integridad para sa kapwa at para sa bayan.”

SARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »