Tanggap ko na ang magiging hatol sa impeachment trial - VP Sara

MANILA, Philippines — “Wala akong expectations of acquittal or verdict guilty. Basta sa akin lang ay tinanggap ko na kung ano ‘yung magiging verdict. Whether guilty man ‘yun or acquittal, I’m already at peace”.
Ito ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte sa anumang magiging desisyon sa nakatakdang impeachment trial laban sa kaniya matapos ang proklamasyon ng 12 nanalong senador.
Hindi rin daw umano tama na simulan na agad ang bilangan ng boto dahil wala pang inilalatag na ebidensya.
“At hindi ko alam kung paano boboto ang mga senators. If at all there will be a trial, I think it is wrong to start counting votes now because they haven’t seen evidence yet. They haven’t seen what the prosecutors have. They haven’t seen what our defense is. So, parang mali siguro na magbilangan ng boto nang walang… pero ginagawa siya ng publiko.”
“Basta sa akin, tanggap ko kung anong mangyayari, kung anong magiging ending ng impeachment,” pagbibigay-diin pa ni Duterte.
Tiniyak din naman ni VP Sara na abala na sa paghahanda sa impeachment ang kanyang mga abogado na nakatakdang simulan sa Hulyo 30, 2025.
- Latest