^

Bansa

VP Sara, walang kandidato sa House Speakership

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
VP Sara, walang kandidato sa House Speakership
Vice President Sara Duterte
PNA photo by Joan Bondoc

MANILA, Philippines — Wala umanong napipisil na kandidato si Vice President Sara Duterte para tumakbo sa House Speakership.

Gayunman, sinabi ni VP Sara na sinabihan niya ang kanyang kapatid na si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte, na lumaban para sa naturang posisyon at sakaling manalo ito ay kuhanin ang minority.

Hindi pa naman aniya sumagot ang kanyang kapatid na marahil ay pinag-iisipan ang tiyansa nitong makuha ang naturang posisyon.

“Sinabihan ko si ano, Cong. Pulong. Sabi ko sa kanya baka gusto mo lumaban ng speaker. Hindi man siya sumagot. Hindi siya sumagot. Iniisip din niya siguro ‘yung chances niya na ano, na manalo,” pahayag pa ni VP Sara, sa isang ambush interview sa isang thanksgiving mass sa Davao City kamakalawa.

“Well, sinabi ko sa kanya kung hindi ka manalo ng ano, ng speaker, then kunin mo yung minority, ‘di ba? But wala pa siyang sagot. So, I guess he’s still thinking about it siguro? Hindi ko alam. Ang sinabi lang niya sa akin kanina, ‘wag kang makipag-away kasi kakagaling mo lang sa simbahan, sa misa’,” aniya pa.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni VP Sara na wala rin siyang kandidato para sa Senate presidency sa ilalim ng nalalapit na 20th Congress.

Wala rin aniyang sinumang lumapit sa kanya upang humingi ng kanyang basbas at suporta para lumaban sa mga naturang posisyon sa Senado at Kamara.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »