Emilio, todo pasasalamat kina Mikael at Megan

Malaki ang pasasalamat ng Kapamilya star na si Emilio Daez sa kanyang Kuya Mikael Daez at sa kanyang sister-in-law na si Megan Young.
“Never-ending ‘yung support nila. Win or lose kahit bago pa po ako pumasok ng industriya todo na po ‘yung support nila. I love them very much,” pahayag ni Emilio sa 24 Oras.
Bago naganap ang ikatlong eviction night sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, isang post ang inilaan ni Megan para sa kanyang brother-in-law na may kaugnayan sa PBB journey nito.
Si Emilio ang ka-duo ng Kapuso actor na si Michael Sager na kasabay niyang lumabas sa Bahay ni Kuya noong April 26.
Nakilala sila bilang celebrity duo na MiLi at hanggang ngayon ay patuloy silang minamahal ng Pinoy viewers at kanilang fans.
Si Emilio ay binansagan sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Mr. Bankable Achiever ng Pasig habang si Michael naman ay Diligent Wonderson ng Marinduque.
The Clash alumna, pinaghandaan ang Akusada!
Masayang kinuwento ni Jeniffer Maravilla ang kanyang nararamdaman sa bagong proyektong kinabibilangan niya, ang upcoming suspense drama series na Akusada.
Sa naturang programa, makakasama niya ang kapwa aktres na si Andrea Torres, na kanyang hinahangaan.
“Sobrang excited ako kasi lalo na si Andrea, isa siya sa mga nilu-look up ko na Kapuso actress. Sobrang bilib po ako sa mga nagampanan niyang role from the past,” sey ng The Clash alumna.
Sumabak si Jeniffer sa acting workshop, kung saan nakasama niya ang cast ng Akusada na sina Andrea, Benjamin Alves, Lianne Valentin, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Arnold Reyes, at marami pang iba.
Si Jeniffer ay huling napanood bilang si Sawa sa GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko noong 2024.
- Latest