^

Pang Movies

Winwyn, babu na sa beauty pageant

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Winwyn, babu na sa beauty pageant
Winwyn Marquez
Photo release

Pagkatapos na muling mabigo na makuha ang Miss Universe Philippines crown, nag-sign off na si Winwyn Marquez sa pagsali ng beauty pageant.

Despite winning the most special awards sa naturang pageant, naging first runner-up si Winwyn sa winner na si Ahtisa Manalo of Quezon Province.

Pero ang pagsali pa lang daw niya sa Miss Universe PH 2025 ay isa nang panalo, kahit pa hindi niya nakuha ang inaasam-asam na korona.

Sa Instagram, inamin ni Winwyn na kung may mga pagkakataon na malakas ang kanyang loob sa kompetisyon, may mga panahon din na may mga pag-aalinlangan.

“And as a mom, people expect us to always be tough but I’ve learned that it’s just as important to be kind to ourselves, too. I took the crown of courage.. of standing tall and speaking my truth. showing that you can be both devoted and driven..that you can live boldy, love deeply and chase your dreams no matter the season you’re in. That, for me, is already a victory. Who would’ve thought I’d be saying this… Miss Universe Philippines 2025 1st Runner-Up? Feels like a dream already. I hope I made you proud. Pilipinas, maraming maraming salamat and to the Universe.. Thank you for making this happen,” caption ni Winwyn.

Sa comments section, pinuri si Winwyn ng kapwa niya mga celebrities tulad nina Thea Tolen­tino, Rodjun Cruz, Michael Sager, Camille Prats, at Carla Abellana.

Samantala, sa post naman ni dating Miss Universe Philippines 2023 at pinsan niyang si Michelle Dee bago ang coronation, nabanggit niya ang quiet strength, unwavering grace, at sense of purpose na nakita niya kay Winwyn.

“Whatever happens, you walk with meaning. And that’s more than enough,” caption ni Michelle.

Taong 2015 nung unang sumali sa Bb. Pilipinas pageant si Winwyn, pero umabot lang siya hanggang sa Top 15. Nanalo that year was Pia Wurtzbach at naging Miss Universe sa taong iyon.

Taong 2017 nang sumali si Winwyn sa Miss World Philippines. Hindi siya ang nanalo, pero siya ang pinadala sa Reina Hispanoamerica pageant in Bolivia at naging first Filipina na nakapag-uwi ng naturang pageant.

Jillian aapir sa riles

Nasorpresa ang aktres na si Jillian Ward nang malaman niyang magiging guest star siya sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles.

“It’s something different. Siyempre, ang gagaling ng mga kasama ko, for sure ang dami kong matututunan,” sey ni Jillian.

Hindi naman maitago ni Miguel, Kokoy, Raheel, at Anton ang excitement na makatrabaho si Jillian.

Sey ni Miguel: “I’m excited to work with her dahil sobrang tagal na namin magkakilala, sabay kaming lumaki sa showbiz pero ngayon pa lang kami magkakatrabaho.”

WINWYN MARQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »