Hunk actor, takot na takot mabuking ang tikiman nila ng sexy star!
Kabado ang isang hunk aktor na napapanood din naman sa TV dahil sa ginawa niyang pagtikim sa isang sexy star na talagang kinarir upang matikman siya!
Kasi nga, may girlfriend na ang hunk aktor at parang tigre kung magalit sa tapang!
Eh tuso si sexy star. Nang matikman si aktor, naglabas sa vlog niya ng blind item tungkol sa natikman niyang aktor. Kung gusto nilang makita ito, aba, magbayad sila!
Nagpatulong si hunk aktor para hindi ma-upload ang video ng tikiman nila ng sexy star. Kapag nalaman ito ng GF niya eh baka hiwalayan siya!
So far, wala pa naman daw tumatawag sa aktor na napanood nila ang video. Todo dasal niyang nagawan ng paraan ng management niya para hindi mailabas, huh!
Ruffa, magkakaroon na rin ng master’s degree
Gift from heaven ang tawag kay Ruffa Gutierrez ng may-ari ng Magical Gems by Isabel & Alexandria na si Sir Harry Chua dahil pumayag siyang maging ambassadress ng kanyang gems na hindi lang accessories ang looks kundi puwede rin sa mahahalagang okasyon.
“Malaking blessing sa baguhang negosyante gaya ko. Sa Davao ang una naming brand na bubuksan at ‘pag naayos ang schedule, special guest si Ruffa,” pahayag ni Sir. Harry.
Mamahalin ang gems na parte produkto nila at sa suot ni Ruffa sa mediacon eh nagkakahalaga raw ito ng P5000K huh!
Kilala ba ni Sir Harry si Ruffa at alam ang status nito sa showbiz?
“Kilala ko siya!” sagot ni Sir Harry.
Pati lovelife niya kilala niya?
“I’m a very private person. Pardon me, I do not know her personal life. But we’re friends now! Hahaha!” sagot niya.
“Kasi nga, pina-follow na niya ako! Hahaha!” sabad ni Rufing.
Aaakting muli si Ruffa sa GMA series na Beauty Empire. ‘Yun nga lang, parang hindi na tuloy ang pagpunta sa bansa ng former husband nyang si Yilmaz Bektas.
Proud siyang sabihin na siya ang nagpaaraal sa dalawang anak na nasa States habang si Yilmaz eh nagbibigay ng allowance.
Natutuwa siya sa mga anak dahil masipag silang mag-aral. Graduate na rin si Ruffa at ginagawa ang thesis para sa kanyang master’s degree in Communications.
Ipinagmamalaki ni Rufing na never siyang nagsanla ng alahas para maitaguyod ang dalawang anak!
- Latest