^

Pang Movies

Pia, nagpalit na ng pangalan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pia, nagpalit na ng pangalan!
Pia Wurtzbach

Malaking hakbang ang pagpapalit ng pangalan na ginawa ng former Miss Universe na si Pia Wurtzbach na nagpapakilala ngayong Pia Jauncey.

Sa interview ng Preview ay ipinaliwanag ito ng dating beauty na kasal sa Scottish businessman / influencer na si Jeremy Jauncey kung ba’t niya ginawa.

At paliwanag niya sa interview ng Preview: “We’re the Jaunceys now. After a while, I started feeling like ‘Pia Wurtzbach’ didn’t feel right anymore.”

Dagdag na paliwanag niya sa nasabing desisyon na gamitin na ang apelyido ng asawa ay dahil “One day when we have kids, I would want them to see that we share the same last name as their dad. It’s a bit of a traditional move for Jeremy, but it doesn’t really bother me.”

Samantala, sa nasabing interview niya rin nabanggit na ayaw na niyang makipag-compete matapos ang sunud-sunod na maingay at tagumpay na rampa sa mga fashion week sa Europe na naging daan para pagkum­parahin sila ni Heart Evangelista lalo pa nga’t ang kanyang team ay ang natanggal na glam team ni Heart. “Like, come on, I just came from a competition a couple of years ago, I don’t want to be in another one,” banggit niya.

Katwiran niya, ang kanyang ka-compete lang niya ay ang kanyang sarili.

Dagdag pa niya: “The worst thing that you can do to yourself is to stop lear­ning. Your pride [might stop you from] being an underdog again, but even the masters were once babies who knew nothing. It’s uncomfortable, but it’s forced me to grow.”

As expected, may reaction ang netizens lalo na sa baha­ging ayaw na niya ng competition pero kasalukuyan itong nasa Paris.

Pero mas mukha namang wala na sa consciousness ni Heart ang competition dahil parang nanalo na nga naman siya sa rami ng endorsement here and abroad.

Pero siyempre walang ceasefire sa ibang netizens.

Phillip, ‘di tanggap ang pagkatalo!

Tinatanong pa raw ni Phillip Salvador kung saan napunta ang boto niya sa nakaraang midterm elections.

May kuwento na hindi pa raw ito makapaniwala na natalo siya sa pagka-senador.

Hindi man lang umabot sa Top 15 ang actor ganundin ang kaalyado niyang si Willie Revillame.

Proklamado na ang 12 senators na uupo sa pagbubukas ng Kongreso before the end of the month.

Kabilang ang actor sa maraming artista na natalo.

Ang nakakatawa, nagpapasalamat ang ibang voters kay Gloria Diaz na ang pakiramdam nila ay isang factor kung bakit humina sa botante ang actor.

Nag-viral nga ang reaksiyon at komento ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz laban sa  kumandidatong actor. Napanood sa isang video na nagsisisigaw si Phillip ng “Bring Him Home!” na ang tinutukoy ay ang dating presidente na si Digong Duterte na kasalukuyan pa ring nasa The Hague, Netherlands.

Manny, nagbago ang isip sa pagreretiro

Uy magkakaapo na ba sila People’s Champ Manny Pacquiao, na hindi rin pinalad na manalong senador noong nakaraang election?

Sa ini-upload na snaps ng misis niyang si Jinkee Pacquiao, makikitang may kasamang girlfriend ang anak nilang si Jimuel na lumalaban na rin pagbo-boxing sa Amerika.

Walang pangalan na binanggit si Jinkee kung sino ang nasabing girlfriend ng anak nila ni Manny na ayon sa isang article na lumabas sa Sports Illustrated ay nag-alala tungkol sa pagbabalik ng ama sa boxing ring.

Tatapusin nga ng boxing legend ang ginawang pagreretiro upang labanan ang reigning WBC welterweight champion na si Mario Barrios pagkatapos nga ng malungkot na kapalaran sa pulitika. “He’s 46 now. And even me, as his son, I love him, he’s my dad. There’s also concern there, you know?” sabi niya sa interview ng Sports Illustrated.

“But I believe in him. He has shown us that he stays in shape year around and all that. So weight is not gonna be a problem, fitness is not gonna be a problem,” dagdag pa ni Jimuel sa lumabas na article.

Inaabangan nga kung mananalo ulit si Pacquiao kay Barrios.

Jessica, natutukan si Pope Leo

Nagluksa ang buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis noong Abril 21, na umalingawngaw sa pandaigdigang komunidad ng Katoliko—lalo na sa Pilipinas, kung saan mahigit 80 porsiyento ng populasyon ay Katoliko.

At sa panahong ito ng kalungkutan at espirituwal na pagmumuni-muni, tiniyak ng GMA Public Affairs na ang mga Pilipino ay nasa unahan at sentro sa pagsaksi sa paglalahad ng kasaysayan.

Nanguna sa komprehensibong coverage ng network ay si Jessica Soho, country’s most awarded broadcast journalist and host of Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Ilang araw lamang pagkaraan ng pagpanaw ng Santo Papa, lumipad si Ms. Jessica patungong Roma, naging isa sa mga unang Pilipinong mamamahayag na kinilala ng Holy See Press Office na nag-cover sa buong transisyon ng papa – mula sa funeral rites hanggang sa conclave, at sa halalan ng bagong pontiff.

At from the public viewing sa St. Peter’s Basilica to the transfer of Pope Francis’ remains, Ms. Jessica shared real-time updates on the ground, using mobile repor­ting to deliver timely cove­rage. While equipped with professional broadcast gear, she often relied on her phone to document and upload moments on the go, bringing the story swiftly and directly to Filipinos online.

Sa pamamagitan ng malawak na digital network ng GMA Public Affairs—na may  mahigit 160 million followers —ang kanyang Vatican coverage ay umabot sa pandaigdigang Filipino audience at nakakuha ng mahigit 47 million views, na binibigyang-diin ang malakas na resonance at epekto nito.

KMJS also aired two special reports: one hono­ring the life and legacy of Pope Francis, and another chronicling the historic rise of Pope Leo XIV na parehong sinubaybayan ng kanyang manonood.

Higit pa sa mga ritwal, binigyang-diin niya ang mga tinig ng pamayanang Pilipino sa Roma – mula sa mga pilgrim at seminarista hanggang sa mga klerong nagtatrabaho sa Vatican. Bago ang conclave, nakiisa rin si Ms. Jessica sa isang Thanksgiving Mass na pinangunahan ni Cardinal Luis Tagle – kung saan inanyayahan siyang magbasa ng Prayers of the Faithful – at nakakuha ng panayam kay CBCP President Cardinal Pablo Virgilio David.

Nang sa wakas ay tumaas ang puting usok sa Sistine Chapel, naroon siya sa St. Peter’s Square nang lumitaw si Pope Leo XIV.

PIA WURTZBACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »