^

Pang Movies

19-year-old Fil-Am actress, bida sa Hollywood film!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
19-year-old Fil-Am actress, bida sa Hollywood film!

Alam mo, Salve A., nakaka-proud ang Filipino talents na patuloy na nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas na ang pinakabago ay ang 19-year-old Fil-Am na si Sam Morelos na siyang bida ng pelikulang Summer of 69 sa Hollywood.

Turning 20 on July 7, si Sam ay nakagawa na rin ng ilang pelikula at kasama na rito ang That ‘90s Show nung 2023 at Forgetting Nobody nung 2022.

Bukod kay Sam, nariyan pa sina Dolly de Leon, Jon Jon Briones, Lou Diamond Phillips, Manny Jacinto, Vincent Rodriguez III, Mark Dacascos, Ella Jay Basco, Nico Santos, Dan Inosanto, Cassie Ventura, Rene Gube, Liza Lapira, Paolo Montalban, Shay Mitchel, Eugene Cordero, Tobit Raphael, at iba pa na nakapasok na sa Hollywood making them global artists.

Ang Filipino stage actor na si Jon Jon Briones ay naging sunud-sunod ang TV and movie assignments in Hollywood nang siya’y mag-relocate sa Amerika in 2010.

Hindi na rin nawawalan ng assignment sa Hollywood ang veteran actress na si Dolly de Leon, ang kauna-unahang Filipino actor na na-nominate bilang Best Supporting Actress sa Golden Globe Awards for the movie na Triangle of Sadness.

Nariyan siyempre si Lea Salonga who catapulted to international fame via Miss Saigon sa West End na sinundan ng Broadway at nakapagbigay sa kanya ng sunud-sunod na global recognitions.

Napakarami ng Filipino talents na patuloy na gu­magawa ng pangalan hindi lamang sa Hollywood kundi maging sa ibang larangan.

Carol Banawa, nabalanse ang buhay sa US

Isa nang licensed nurse ang dating Star Magic ­talent and now US-based singer-actress sa Maine, USA na si Carol Banawa.

Carol started her showbiz career in 1997 when she was in her teens nang siya’y mapasama sa youth-oriented program na Ang TV ng ABS-CBN.

Sa bakuran ng ABS-CBN nahulma ang pagiging isang mahusay na singer-actress ni Carol. She recorded five top selling albums under Star Music at nakapag­hatid ng maraming hit songs tulad ng Iingatan Ka, Saan Ka Man Naroroon, Bakit Di Totohanin, at iba pa.

Taong 2006 nang siya’y magpakasal sa non-showbiz husband niyang si Ryan Crisostomo kasunod ng kanilang pag-relocate sa Amerika as immigrants. Doon na rin isinilang ang kanilang tatlong anak na sina Chelsea, River, at Bella, her pandemic daughter.

Since singing and acting ang passion ni Carol, naipagpatuloy niya ang kanyang singing career sa Amerika habang binababalanse niya ang kanyang pagiging asawa’t ina, trabaho, at pag-aaral.

Sa kabila ng kanyang pagtatapos ng nursing, ipinagpatuloy niya ang pagkuha ng kanyang master’s degree in nursing at kamakailan lamang ay nagtapos siya.

CAROL BANAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »