^

Pang Movies

Housemates nangamote sa Silangan...Bianca, may panawagan sa pag-aaral ng Tagalog!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Housemates nangamote sa Silangan...Bianca, may panawagan sa pag-aaral ng Tagalog!
Bianca Gonzalez

Para kay Bianca Gonzalez, nararapat daw na pagtibayin pa ang pagtuturo sa mga kabataan ng ating sariling wika.

Ito ay matapos mahirapan ang housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na magsalita sa wikang Filipino sa isang episode.

Dahil dito ay nag-trending pa ang “Silangan” dahil hindi ito ma-translate to Tagalog ng ibang PBB housemates.

Tweet ni Bianca sa kanyang X account “Ako’y naniniwala na dapat lalong pagtibayin at pahalagahan ang pagturo ng Filipino sa mga paaralan at sa sarili nating mga tahanan,”

Nilagyan niya pa ito ng hashtag na “#PBBCollabFinalDuoMedal.”

Marami sa mga netizen ang sumang-ayon sa pahayag ni Bianca.

“Totoo po ‘yan, noong nagturo po ako ng Filipino sa SHS, ‘di po alam ng ibang bata kung ano po ang sanaysay. Taglish po ang gamit nila pag nagsusulat sila, lalo na po kung gagawa sila ng sanaysay,” sey ng isang netizen.

“This should be an eye-opener @DepEd_PH. Ang lungkot na unifying language natin ay English instead na Wikang Filipino which is Tagalog. Every travel ko sa South or bisaya area, kailangan ko mag-english. Plus the superiority mindset na matalino kapag magaling mag-English,” sey naman ng isa pa.

“Yes to this. Kasi both Bianca (de Vera) and River answered East, tama naman hindi lang nila matranslate,” comment naman ng isa pang X user.

Rhian, most evil ang ginawa

Ayon kay Rhian Ramos, ang role niya sa upcoming GMA telefantasya na Encantadia Chronicles: Sang’gre ang siyang pinakamasamang karakter na nagampanan niya ever.

Ginagampanan ng aktres sa serye ang role ni Mitena, an Ice Queen na kakambal ni Cassiopeia na ginagampanan naman ni Solenn Heussaff. “Hindi ko siya (her role) made-describe as gray. She’s the most evil, ang pinaka-evil na nilalang na tumapak sa Ecantadia. Napakasama niya talaga,” ani Rhian sa panayam ng GMA 7.

Dahil mabigat ang kanyang role ay talagang puspusan din ang naging paghahanda ng aktres at sumabak pa sa iba’t ibang training ng martial arts at paghawak ng sandata. Marami raw kasi siyang fight scenes dito.

“Mahirap siya for me. Hindi naman puwedeng walang dahilan kung bakit siya masama. So ginagawa ko pa rin siyang totoong tao para sa akin kung bakit siya dumating sa gano’ng punto,” anang aktres.

Ngayong Hunyo na magsisimula ang Sang’gre na spin-off ng iconic Kapuso fantaserye ng Encantadia.

BIANCA GONZALEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »