^

Pang Movies

Kris, nananaba sa tabing-dagat!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris, nananaba sa tabing-dagat!
Kris Aquino

Malaking tulong daw kay Kris Aquino ang paninirahan nito ngayon sa tabing-dagat dahil bumubuti raw ngayon ang kondisyon nito.

Ayon sa update na ibinigay nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang vlog, simula nang tumira raw si Kris sa isang beach resort ay nagge-gain daw ang weight nito ng 1 lb. every week.

Panay rin daw ang kain ni Kris ng kanyang mga favorite food tulad ng turon at ripe mango.

Pero tulad pa rin ng dati, marami pa rin daw masakit sa katawan ni Kris at mahina na raw ang legs nito dahil nga kulang sa fats and muscles para suportahan ito.

Tuluy-tuloy pa rin naman daw ang treatment kay Kris kabilang na ang chemotherapy nito.

Ayon pa kay Mama Loi, dahil sa magandang improvement sa health ni Kris ay nagpapasalamat daw ito sa lahat ng mga nagdarasal para sa kanya. Talaga raw prayers really work.

Sandara, Pinoy na Pinoy hanggang Amerika

Nakakatuwa talaga itong si Sandara Park. Kahit nasa US siya ay Pinoy food pa rin ang hinahanap niya.

Sa latest post ng South Korean pop idol ay makikita na kumain siya sa Gerry’s Grill na isang Filipino restaurant at sa Jollibee.

Nagtungo sa US si Dara kamakailan kasama ang kanyang grupo na 2NE1 para mag-perform sa Clouds two-day music festival na ginanap sa Rose Bowl in Pasadena, California.

Makikita sa kanyang mga IG post ang mga ganap niya sa Los Angeles kabilang na nga ang pamamasyal niya sa Pinoy restaurants. Aniya sa caption, natutuwa raw siya na na-meet niya ang mga kababayan niya sa LA.

“So happy to meet my kababayans in LA 

“In my favorite restaurant, with my favorite foods, my favorite songs, and the energy!!! Yan ang Pinoy!!! Loved the live band sing along while eating,” caption ng binansagang Pambansang Krung Krung.

Very vocal naman si Sandara noon pa na talagang Pinoy at heart siya kahit na nga ba Korean siya. Dito siya sa Pilipinas naunang sumikat at kahit sumikat din siya sa kanyang bansa, ang pagkakaroon ng pusong Pinoy ay hindi nawala sa kanya.

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »