LTO binawi ang lisensiya ng 10 bus driver at 8 konduktor na nagpositibo sa droga
MANILA, Philippines — Matapos na magpositibo sa iligal na droga ay binawi na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng 10 bus driver at 8 konduktor mula sa dalawang kilalang bus company.
Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, ang 10 driver at anim na konduktor na na-revoked ang lisensya ay mula sa Victory Liner habang ang dalawa pang konduktor ay mula naman sa Solid North Transport.
Bukod pa sa pagka-revoked ng lisensiya, pinatawan din ng LTO ang mga ito ng perpetual disqualification na makakuha pa ng drivers license sa ahensiya.
Sinabi ni Mendoza na ganito kabigat ang hinihinging obligasyon sa mga naturang driver at konduktor dahil nagsisilbi sila sa public transportation.
Ang desisyon ng LTO ay alinsunod na rin sa Republic Act 10586 o anti-drunk and drugged driving act of 2013 at republic act 4136 o Land Transportation and Traffic code kung saan nakasaad na ipinagbabawal ang pagmamanaheho sa ilalim ng impluwensya ng iligal na gamot.
- Latest