12 OFW kulong sa Malaysia sa pekeng entry permit
MANILA, Philippines — Labindalawang overseas Filipino workers (OFWs) ang hinatulan ng Malaysian government nitong Mayo 20 matapos na maaresto nitong Pebrero dahil umano sa paggamit ng mga pekeng entry permit patungong Laos.
Nabatid na ang mga pekeng entry permit ay inalok umano ng illegal recruiters sa Telegram.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), trabaho bilang call center agents na may sahod na P50,000 kada buwan ang offer ng illegal recruiters sa mga biktima.
Bumiyahe ang mga OFW mula Pilipinas patungong Sabah gamit ang ilegal na ruta bago sila natimbog sa border ng Malaysia at Thailand noong Pebrero 2025.
Nitong Mayo 20 sila nahatulan ngunit sa tulong ng Philippine Embassy at DMW, naibaba sa tatlong buwan ang sentensiyang pagkakulong sa mga OFW at inaasahang makakalaya sa Hunyo.
Muli namang nanawagan ang DMW sa publiko na mag-ingat sa mga alok na trabaho online.
- Latest