Dapat malaya at transparent ang Senado - Bong Go
MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na mahalaga ang pagtataguyod ng isang malaya at transparent na Senado sa harap ng inaasahang pagbabago sa komposisyon nito at potensyal na epekto sa political dynamics tungo sa nalalabing tatlong taon ng kasalukuyang administrasyon.
“Hindi pa namin napag-uusapan about sa leadership. But I agree with Sen. Panfilo Lacson na dapat independent naman talaga ang Senado,” ani Senator Go.
Sa pagbibigay-diin sa papel ng Senado sa loob ng balangkas ng Konstitusyon, binigyang-diin ni Sen. Go ang pangangailangang pangalagaan ang kalayaan ng institusyon, lalo na sa pagsasagawa ng mga responsibilidad sa pangangasiwa at paghubog ng batas.
Idiniin niya ang kahalagahan ng tungkulin ng Senado sa paghubog ng mga pambansang batas at paglalaan ng mga public resources.
Binigyang-diin din pa niya na dapat maging mas malinaw ang integridad ng Senado habang papalapit ang administrasyon sa huling taon nito. Kaya naman hinimok niya ang mga kapwa mambabatas na ibatay ang kanilang desisyon sa konsensiya at prinsipyo.
- Latest