^

Pang Movies

Artist, paepal para mapansin!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nagtanong ang isang may alam tungkol sa performances ng local or foreign artists sa mga sikat na streaming app tungkol sa isang artist na masyadong maingay. Sagot ng isang media, malakas daw kasi ang kanta nito sa social media platforms na milyon ang views!

Pero nang mag-check ang music aficionado, wala sa listahan ang artist sa most streamed at followed sa mga streaming app, huh!

Tumahimik na lang ang kausap ng music aficionado dahil sumasakay lang daw sila sa promo slant ng nasabing singer!

Pero sa obserbasyon ng music aficionado, nag-ingay lang ang artist para pag-usapan!

Charlie at Anton, may shippers!

Bago bumalik sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, nagkasama sina Charlie Fleming at Anton Vinzon sa Binalbagan Festival sa Binalbagan, Negros Occidental para sa GMA Regional show.

Marami ang nagsi-ship sa dalawa gaya ng TonLie Glimmers kung tawagin.

Nag-upload pa sa TikTok sina Charlie at Anton ng videos nilang dalawa at nag-live pa na lalong nagpakilig sa kanilang fans at tinukso sila nina Raheel Bhyria at Jay Ortega.

Ang caption pa ni Anton sa TikTok video nila ay huwag na raw bumalik si Charlie sa Bahay ni Kuya pero hindi natupad ang wish ni Anton dahil si Charlie nga ang muling nakapasok sa Bahay ni Kuya nung Linggo.

Marami ang nagre-request na ipasok si Charlie sa Mga Batang Riles ngunit hindi na yata ito matutupad dahil last three weeks na ang Mga Batang Riles at nasa loob na ng Bahay ni Kuya si Charlie.

ARTIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »