^

Pang Movies

Batas ng diborsyo sa Pilipinas, naikonek sa problema ng pulitiko/producer na si Albee Benitez

Salve V. Asis - Pang-masa
Batas ng diborsyo sa Pilipinas, naikonek sa problema ng pulitiko/producer na si Albee Benitez
Maxene

MANILA, Philippines — As if talagang alam nila ang buhay ng mga celebrity.

Hahaha.

At ang kinakalkal naman ng iba ay ang divorce law.

Ang Pilipinas ay nananatiling nag-iisang bansa sa mundo bukod sa Vatican, na walang kumbaga ay naaangkop na batas sa diborsyo.

Na ang mga asawa na hindi na gustong manatiling kasal sa kanilang partner ay mayroong limitadong mga opsyon sa ilalim ng Family Code.

Ang isang pagpipilian ay sa pamamagitan ng paghahain ng petisyon para sa deklarasyon ng pagpapawalang bisa ng kasal.

Sinasabi ngang diumano’y 21 years nang hiwalay ang pulitiko/producer na si Mayor Albee Benitez sa misis nito na si Nikki Benitez kaya gulat ang ibang netizens na nag-file ang misis nito ng Republic Act 9262, o Violence Against Women and their Children (VAWC).

At idinadawit ang pangalan ni Ivana Alawi na diumano’y third party.

Sa kasalukuyan ay marami-rami nang celebrity ang pabor sa diborsyo sa bansa.

Kabilang dito si Maxene Magalona na nag-post noon pa ng “I can’t believe we are the only nation in the entire world that forbids divorce. In my humble opinion, divorce helps protect the sanctity of marriage by allowing the toxic marriages to dissolve and keeping the sacred ones intact. I sincerely pray for peace and progress for the Philippines.”

Zsa Zsa, kuminang sa comeback concert

Walang kakupas-kupas ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa kanyang katatapos lamang na milestone concert na Through The Years. 

Masaya, pabolosa, makinang, at punung-puno ng emosyon at magagandang awitin ang concert ng Zsazhing!

Opening pa lang, alam na ng audience kung ano ang i-e-expect — non-stop hits at isang musical trip down memory lane dahil talaga namang bahagi ang mga awitin ni Zsa Zsa ng soundtrack ng ilang henerasyon — mga sawi at panalo sa pag-ibig nagkakaisa sa hits ni Zsa Zsa.

Simple lang ang set ng concert ni Zsa Zsa — maliban sa ilang LED screens, halatang front and center si Zsa Zsa at ang hits niya — bagay na ikinaligaya ng kanyang fans.

Hugot kung hugot ang ang audience habang inawit ni Zsa Zsa ang Kahit Na at Hiram.

At parang Valentine in May naman ang aura nang inawit niya ang Ikaw Lamang at Mula Sa Puso.

Party-party naman ang feels sa kanyang live rendition ng Point Of No Return at Mambobola na may kakaibang Latin interpretation na kinagiliwan ng mga tao.

Highlight din ng concert ang special guests ni Zsa Zsa na sina Erik Santos, Karylle, Zia Quizon, at Gary Valenciano.

Emosyonal naman ang audience sa duet ni Zsa Zsa with Dolphy, salamat sa AI.

Tagos sa puso ang duet ni Zsa Zsa kasama ang AI ni Pidol at perfect ang Pinoy love ballad na Ikaw Na Nga sa segment na ito.

Akmang-akma naman ang Through The Years at We’re All Alone na ni-revive ni Zsa Zsa noong 2000s bilang finale ng concert.

Talagang blessed si Zsa Zsa dahil sa nakalipas na 42 years, mas lalo pa siyang lumigaya. Naging buo ang kaligayahan ni Zsa Zsa sa kabila ng mga pagsubok na kanyang pinagdaanan. Kaya naman mas lumalim at mas gumanda ang kanyang artistry.

Kaya naman excited na ang lahat sa susunod na concert ng nag-iisang Divine Diva!

BINI, may sariling merchandise na

Matapos ang matagumpay na buwan ng Mayo sa Nation’s Girl Group na BINI, mas marami at mas malaking pasabog ang darating na Hunyo para sa pagdiriwang ng kanilang ika-apat na anibersaryo.

Isang month-long celebration nga raw ito na puno ng mga aktibidad para sa mga solid Blooms—mula sa bagong musika, exciting events, bagong merchandise, hanggang sa mga bagong content ng girls!

As in walong sorpresa raw na inihanda ng sikat na girl group para sa Blooms ang dapat abangan at hindi dapat palampasin!

Maraming pang kapana-panabik na reveals para sa Blooms, kabilang ang passion project ng BINI—BINI Cosmetics. Ito ay isang beauty line na personal na dinisenyo ng girls. Hindi lang sila performers—tunay ring beauty enthusiasts ang BINI members. Ang pagmamahal nila sa make-up ang naging inspirasyon sa paglikha ng cosmetic line na sumasalamin sa kani-kanilang personal na style at koneksyon sa kanilang supporters. Bawat produkto ay maingat na dinevelop ng mga miyembro mismo.

Isang anniversary merch line at espesyal na photobook na may pamagat na Journey through the Biniverse ang dapat ding abangan! 

Walong chapters na puno ng mga larawan ng girls na sasalamin sa kanilang journey at growth bilang indibidwal at bilang grupo, kasama ang mga ‘di malilimutang sandali at milestones sa kanilang karera – isang keepsake para sa Blooms!

MAXENE MAGALONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »