Incognito, ‘di nabubura sa number 1!
MANILA, Philippines — Ahh 19 years ago na pala nang pumasok sa Pinoy Big Brother si Gerald Anderson na naging daan upang magkaroon siya ng bonggang career hanggang sa kasalukuyan. Ngayon ay nagbabalik siya sa Bahay ni Kuya. Teen Third Big Placer siya noong 2016.
Kaya naman parang hindi siya makapaniwala nang sabihin na “I think you weren’t even born yet at that time, oh my God, wow,” na ang 16-year-old housemate na si Charlie Fleming ang pinatutungkulan.
Samantala, nanatiling isa sa malakas ang programa ngayon sa iWantTFC. “There’s something new with PBB this time around. It’s a collaboration with GMA [and] ABS-CBN which was a first. Mukhang maganda ‘yung naging selection of housemates, talagang unique personalities and combination so that, and novelty of the collaboration will hit it off with the viewers siguro,” pagbabahagi ni Mr. Ralph Menorca, Head of ABS-CBN Programming and On-Air Operations.
Sa kasalukuyan nga ay nasa Top programs ang PBB dagdag pa ni Mr. Menorca. Nanatili aniya sa number 1 ang Incognito.
“Incognito, Batang Quiapo, and PBB ayun ‘yung top 3, then followed by MMK and PBB ulit, the PBB All-Access Livestream,” dagdag niya.
TAPE, may ibang utang pa nga ba sa GMA?
Ahh hindi pala tinanggap ng GMA Network ang halagang inaalok ng Television and Production Exponent (TAPE) Inc. para bayaran ang utang nito.
Ayon sa ulat ni Mel Tiangco sa 24 Oras nung isang gabi, dumalo raw ang dalawang partido sa isang mediation meeting alinsunod sa reklamong estafa na inihain ni GMA laban sa TAPE.
Humihingi diumano ang GMA Network ng P37.9 milyon mula sa mga may-ari ng TAPE Inc. para sa airtime fees na hindi naibigay ng TAPE Inc. sa GMA.
Gayunpaman, ang alok ng pag-areglo ng TAPE Inc. sa kasalukuyan ay hindi diumano sapat.
Ire-raffle na ngayon ang kaso sa isa pang prosecutor na magsasagawa ng preliminary investigation sa usapin.
Ayon naman sa source, hindi lang diumano ‘yun ang utang TAPE sa airtime sa GMA.
‘Yan ay kung totoo ang kuwento ng source na iba nga ‘yun sa P37.9 million na hinahabol ng GMA.
- Latest