Pagpalag ng DND sa China, suportado ng 3 grupong Makabayan
MANILA, Philippines — Umani ng suporta mula sa tatlong grupo ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pagpalag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro sa mga tanong na ibinato ng dalawang mataas na opisyal ng militar ng Tsina na maituturing na isang paraan ng pambu-bully sa isinagawang taunang security forum na ginanap sa Shangri-La hotel sa Singapore.
Ang deklarasyon ng pagsuporta ay ipinahayag ni Goitia kasama ang kaniyang mga libu-libong miyembro na kumakatawan sa mga grupo ng Alyansa ng Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement at Peoples Alliance for Democracy and Reform (PADER) na matagal ng nagpapakita ng kanilang pagtutol sa mga agresibong pag-atake ng Tsina sa Pilipinas na maituturing na paglabag sa kasunduang naayon sa pinirmahan sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) noong Disyembre 10, 1982.
Ayon kay Goitia, ang mga binitiwang tanong ng dalawang opisyal ng Tsina ay isang pakana para kay Secretary Teodoro upang magbigay ito ng marahas na tugon sa problema ng maritime dispute sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Goitia hinangaan niya ang katapatan ni Teodoro sa pagtugon sa mga tanong ng dalawang military opisyal ng Tsina na kung saan ang kanyang pagsagot ay pinalakpakan ng mga dumalo sa forum.
- Latest