^

Bansa

P6.88 bilyong floating shabu galing sa Chinese triad - PDEA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Galing umano sa Chinese triad ang tone-toneladang floating shabu na narekober ng mga mangingisda sa baybayin ng Zambales, Pangasinan at Ilocos Sur, ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Isagani R. Nerez.

Ayon kay Nerez, ang mga pakete ng shabu na nakuha ay may Chinese markings at signature trademark na umano’y konektado sa Chinese Drug Triad.

Ani Nerez, kilala ang triad na sangkot sa iba’t ibang criminal activities kabilang na ang drug smuggling kung saan ginagamit ang mga karagatan.

Malaking tulong na lamang at mga Pilipinong mangingisda ang nakakakuha at naibibigay sa mga awtoridad.

Napag-alaman kay Nerez na 52 ma­ngingisda ang nagsuko ng 1,013 pakete ng shabu na may mga Chinese marking.

Lumilitaw sa report ng PDEA, PCG, PNP, Philippine Navy, at NBI umaabot na sa P6,888,400,000 ang halaga ng 1,013 kilograms na nasamsam ng mga awtoridad. 

Matatandaang inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang agarang pagwasak sa mga nakukumpiskang mga iligal na droga upang matiyak na hindi na ito maikakalat o maibebenta pa ng mga maliliit  na ‘tulak’.

“These efforts will continue. We will pursue the key perpetrators behind this transnational crime, and bring them to justice. We remain vigilant on all fronts -  land, air and sea to protect our communities from the scourge of Illegal Drugs,’’ ani ­Nerez. 

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »