No suspension
Good to go si Justin Brownlee para sa FIBA Asia Cup sa Jeddah sa August.
Halos 100 days pa naman pero gusto lang maniguro ng Gilas Pilipinas na walang hadlang para sa naturalized player natin.
Nagpositive kasi si Brownlee for banned substance matapos ang third window ng qualifiers noong Marso.
Same substance na naging dahilan ng three-month suspension niya last year. Related sa cannabis or marijuana. Bawal kasi sa FIBA ang substance unlike sa NBA na allowed ito for medicinal purposes.
Ang importante, sabi ni Gilas team manager Alfrancis Chua, walang suspension. Wala pang lumabas na official statement from FIBA pero kung yun ang basa ni manager, then good.
Baka may spiya sila sa loob ng FIBA.
Isa pa, galing sa injury si Brownlee. Nabali ang thumb niya nung last conference at kailangan operahan. Pero bukod dyan, mas importante yung no suspension.
Otherwise, talagang pilay ang Gilas sa FIBA Asia Cup — literally.
Yan ang main reason bakit isinulong ni 1PACMAN Congressman Mikee Romero na dagdagan ang naturalized players natin. Para in cases like this, ready ang replacement.
Huwag sana tayo bulagain ng suspension kay Brownlee papunta sa Jeddah.
Mapapa-wow ako nyan.
- Latest