Daep lumipat sa La Salle

MANILA, Philippines — Matapos ibigay sa Perpetual Help Junior Altas ang kauna-unahan nitong NCAA juniors’ basketball championship ay maglalaro naman si Lebron Jhames Daep sa La Salle Green Archers sa UAAP.
Dadalhin ng 6-foot-7 na si Daep ang kanyang mga averages na 15.4 points, 8.3 rebounds, 1.8 steals, 1.3 assists at 1.0 blocks sa paglipat sa Green Archers.
Hangad ng La Salle ni coach Topex Robinson na resbakan ang University of the Philippines na umagaw sa kanilang korona sa nakaraang UAAP Season 87 men’s basketball championship.
Makakasama ng 18-anyos na si Daep, hinirang na Most Valuable Player ng NCAA season 100 juniors’ basketball tournament, sa Green Archers sina Jacob Cortez, Luis Pablo at Kean Baclaan at sina veterans Mike Phillips, Mason Amos, EJ Gollena at JC Macalalag.
Maaari nang maglaro ang anak ni dating San Sebastian Stags star at PBA guard Rommel Daep para sa La Salle sa darating na UAAP Season 88 kung saan ipagtatanggol ng UP ang kanilang titulo.
- Latest