^

Bansa

Bato promotor ng ‘no impeachment’ vs VP Sara

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bato promotor ng ‘no impeachment’ vs VP Sara
Sen. Bato dela Rosa (R) looks at Vice President Sara Duterte (L) as they attend the election campaign rally of senatorial candidates under the party of former Philippines' President Rodrigo Duterte in Manila on May 8, 2025, ahead of the country's midterm elections.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Inamin ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na siya ang promotor  ng draft resolution na naglalayong huwag ituloy ng Senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

“Galing ‘yon sa office ko. Basahin ninyo na lang yung resp.. You’ll understand everything. That’s very self-expla­natory. Mabasa niyo dun ano sinasabi ko, ano saloobin ko,” ani Dela Rosa matapos kumalat ang draft resolution.

Sinabi ng senador na, mayroon siyang mga pinagtanungan at pinagkonsultahan kaugnay sa pagbuo ng nasabing draft resolution.

Tumanggi naman siyang sabihin kung ilang senador na ang pumirma o sumuporta sa kanyang draft resolution na ang layunin niya ay mabasa ng mga kasamahang senador.

“Mamaya na pag ­sizable na yung ­number ng sumuporta…nasa draft pa. Kaya pinababasa ko sa Kanila yung draft,” wika niya.

Naniniwala si Dela Rosa na hindi maaaring magpatuloy ang trial ni Duterte dahil sa kakulangan sa oras dahil magtatapos na ang 19th Congress. Hindi rin anya maaaring tumawid sa 20th Congress ang impeachment trial ng Bise Presidente.

Sinabi rin ni Dela Rosa na hindi niya kinonsulta o ipinaalam kay VP Duterte na maghahain siya ng resolusyon upang ipatigil ang trial.

“Hindi. (Hindi alam ni VP). Ewan ko lang kung pumutok na ito ngayon diba, mabasa niya yung mga balita. Ewan ko kung nakara­ting sa ­kanya. Pero sabihin mo ako personally nagre-report sa kanya, no. ­Hindi. Akin itong initiative. Wala siyang pakialam dito,” ani Dela Rosa na sinabing ihahain nila ang resolusyon sa susunod na linggo.

Una rito, itinanggi ng ilang senador, kabilang si Senate President Francis Escudero, na nakatanggap sila ng draft resolution na naglalayong ­ibasura ang paglilitis ­laban kay VP Duterte.

Tinawag din ni Escudero na “scrapped of papers” ang kopya ng resolusyon na walang lagda ng kahit na sinong senador.

Kabilang naman sa umamin na nakatanggap ng resolusyon sina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada at Sen. Imee Marcos.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »