^

Bansa

Pag-apruba sa wage hike bill, napapanahon na - Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang panawagan para sa pagsasabatas ng panukalang dagdag-sahod dahil naipasa na ng Kamara ang counterpart version nito.

Idiniin ni Go na inaprubahan na ng Senado ang bersyon nito—Senate Bill No. 2534—sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang taon.

Ang panukala co-author at co-sponsor ni Go ay naglalayong magbigay ng kinakailangang income-relief sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa gitna ng lumolobong economic pressures.

Sa pag-aksyon ng dalawang kapulungan, kinatigan ni Go ang panawagan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para sa isang urgent bicameral conference upang i-reconcile ang dalawang bersyon at matiyak na ang huling panukala ay makararating sa Pangulo ngayong Kongreso.

Iginiit ni Go na kung hindi ito mabibigyang-prayoridad ay may posibilidad na maramdaman ng mga manggagawa na isinasantabi ang kanilang panawagan.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Go na ang pinal na bersyon ng iminungkahing batas ay dapat isaalang-alang ang lahat ng aspeto ng mga em­pleyado at employer.

CHRISTOPHER “BONG” GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »