Torre handang ipatupad ICC arrest vs Bato, et al
MANILA, Philippines — Nakahanda si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III na ipatupad ang warrant of arrest na posibleng sumunod na iisyu ng International Criminal Court (ICC) laban sa mga pangunahing personalidad na isinasabit sa madugong drug war ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ambush interview sa sidelines ng pagdinig ng Quad Comm, nilinaw din ni Torre na kung ito’y daraan sa tamang channels ay tatalima ang PNP kaugnay ng koordinasyon sa International Police (Interpol).
Nang matanong kung handa ba ang PNP na arestuhin ang mga sangkot sa madugong giyera sa droga kabilang na si dating PNP Chief at reelected Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ay tinugon ito ni Torre na gagawin nila ang tama alinsunod sa batas.
”It is imperative upon us to implement if it goes through the proper channels. Kasi sa ngayon pareho pa rin ang stance ng ating gobyerno na wala tayong cooperation sa ICC. Pero sila ay mayroon mga platforms na pwedeng magamit, may mga linya sila na pwedeng magamit gaya ng Interpol,” anang PNP Chief.
- Latest