^

PSN Opinyon

Gusto nila mangmang tayo habambuhay

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DATI-RATI kinukulimbat ng politiko ang pondo sa Public Works. Pero ngayon dinarambong pati pera pang-Edukasyon, at pang-Kalusugan.

Pati mga burokrata sa DepEd at PhilHealth ay nakiki-nakaw. Naghahati ang opisyales sa DepEd at pribadong paaralan sa pekeng senior high school vouchers, halagang P14,000-P22,500 ang isa.

Ibinigay sa Malacañang ng appointees nito ang P60-bilyong kontribusyon ng PhilHealth members. Gagamiting panggawa ng kalye at flood controls na may kickback na 70 percent.

Sinasadyang bobohin ng mga politiko at burokrata ang kabataang Pilipino. Binisto sa aklat na “Why Nations Fail” ang estilo ng mga naghaharing kawatan. Kapag mangmang ang mamamayan, paulit-ulit ihahalal ang mga dynasties at patuloy ang pandarambong.

Mula 2013 ay kulelat ang mag-aaral na Pilipino sa Grades 3, 5 at 8 sa lahat ng international tests. Pinakamababa sila sa Math, Sciences, at Reading Comprehension.

Hindi makagawa ng simpleng addition, subtraction, multi­­plication, division. Mangmang sa simpleng agham tulad­ ng bakit may ulan, paano tumutubo ang halaman, o bakit hirap mag-preno ku’ng mas mabilis ang andar.

Pinababasa ng isang paragraph at pinasusulat ng isang pangungusap lang tungkol sa nabasa. Karamihan walang maisulat.

Nasa panahon na tayo ng space travel at artificial intelligence. Ang mga kabataan sa ibang bansa ay matatalas mag-isip at matatas magsalita. Samantala sa Pilipinas ang ambisyon ng mga bata ay maging sexy dancer o boksi­ngero, tapos papasok sa pulitika.

Anang Florante at Laura, “sa loob at labas ng bayan kong sawi….”

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)

PHILHEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »