Song Joong-Ki, gusto sanang mamalengke sa ‘Pinas!

MANILA, Philippines — Keber nina direk Gina Alajar, Janice de Belen, Rocco Nacino at ang asawa niyang si Melissa Gohing kung nagpaka-faney sila sa nakaraang Fan Meet ng sikat na Korean actor na si Song Joong-Ki.
Sobra silang nag-enjoy sa I Am Song Joong-Ki: Live in Manila na ginanap sa SM MOA Arena noong nakaraang Sabado.
Bahagi ito ng promotion ng I Am Worldwide na ini-endorse ng sikat na Korean actor.
Punung-puno ang SM MOA na sobrang nag-enjoy nung gabing ‘yun, lalo na’t nagpa-raffle pa ang I Am Worldwide sa mga manonood.
May 10 masuwerteng nagwagi ng tig P25K, tatlong tig-P50K, dalawang tig-P100K at isang winner ng P500K.
Sobrang nag-enjoy si Song Joong-Ki at nangako siya sa Pinoy fans na babalik siya para magbakasyon kasama ang kanyang pamilya.
Bale pangalawang beses na niyang pumunta ng Pilipinas, ang unang punta niya sa Cebu para magbakasyon.
First time niya sa Manila, pero sandali lang siya. Kahapon din ay bumalik na siya ng South Korea kaya hindi niya talaga na-explore ang Maynila.
Gusto pa raw sana niyang puntahan ang mga palengke rito sa Kamaynilaan.
Tinanong siya kung ano ang una niyang ginawa pagkagising niya sa unang araw niya sa Maynila.
Nagka-video chat daw sila ng baby niya at ipinakita raw niya ang seaside mula sa hotel na tinutuluyan niya.
“Actually, I really wanted to go traditional market here, or super market. But, you know I couldn’t go out. But I went to gym, and working out, and I enjoyed my breakfast,” dagdag niyang pahayag.
Pero gusto raw talaga niyang mapuntahan ang ilang lugar ng Maynila para maramdaman niya ang Pilipinas.
Sabi pa ng kanyang interpreter, “‘Yung mga lugar na may supermarket, ‘yung mga places that Filipino locals really go on a daily basis. Those are the places that he really wants to look around. Mga market, the local restaurants that he can feel that he’s in the local places.
“That’s the thing that he really prefers when he’s going around the country. Due to the short period of time that he has here in the Philippines, he won’t be able to make that kind of work. But the next time he comes back to the Philippines, he really wants to pursue that kind of schedule and tour schedule for his visit in Manila.”
Nagulat siya na ang action-comedy series niyang Vincenzo ang pinakagusto ng Pinoy fans niya. Kaya ang mga tanong sa isang game nila ay may kinalaman sa seryeng ‘yun.
Sabi pa niya, “I think I have to call my writer of Vincenzo, my director… and they have to shoot the season 2 of Vincenzo.
“Wow! I have no idea really! Yeah! Me too, I love my Vincenzo character so much. I don’t (know) why, because when I shot Vincenzo in Korea, I felt something like feel free and I’d really enjoy that... and something that I killed many bad characters,
“I was so excited. Yeah! And the comedy was very funny.
“So, I love it too. Okay! I will call my writer. He has to write the season 2. Yeah!”
- Latest