^

Pang Movies

Luis, sumagot sa pagpanaw!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Luis, sumagot sa pagpanaw!
Luis

“Buhay na buhay po ako.” Ito ang sagot ni Luis Manzano sa fake news na pumanaw na siya.

Ilang araw na ngang pinagpipistahan at ikinakalat sa online (karamihan ay sa Facebook) ang mga maling balita kay Luis.

Ayon sa mga post, patay na raw si Lucky at na may mga kalakip pang mga larawan ng pagdala umano sa ospital pati na rin ang larawang nakahiga ito sa isang kabaong.

May post pang nagsasaad na nag-iiyak daw ang asawa ni Luis na si Jessy Mendiola habang shocked naman daw ang ama ng TV host na si Edu Manzano.

May lumabas ding umiiyak ang ina ni Luis na si Vilma Santos at sinabing lumaban daw ang kanyang anak.

Kaya naman para matigil na ang mg kalokohang ito ay nagsalita na si Luis tungkol dito at nagawa pang magbiro.

“Update po, buhay na buhay po ako . Napakagwapo pa nga - Luis,” saad ni Lucky.

Sa comment section ay marami ang nagpayo sa TV host na kasuhan niya ang mga nagkalat ng fake news na ito.

Sam MIlby, iregaluhan ng kotse ang sarili

Bilang birthday gift sa sarili ay bumili si Sam Milby ng brand-new Tesla electric car.

Ipinost ng kanyang management na Cornerstone Entertainment ang video ng aktor na masayang ipinapakita ang bagong car na kulay silver.

“This is kind of my birthday gift to myself, I guess. After driving this for a week now, I’m super happy with it. Long range. Ang bilis, sobra,” sey ni Sam.

 “You don’t have to worry about maintenance because there’s no oil change, there’s no engine. It’s so smooth, so fast, so quiet, I’m super happy with this car right now. Sobrang okay siya,” dagdag pa niya.

Ang isa pa nga raw advantage ng electric car ay hindi ito kasali sa number coding scheme. At ang dami pa raw charging stations kung saan nga pwede mo itong i-charge.

“There’s actually so many charging stations pala sa Pilipinas so it’s not as scary as most people think. And sa ngayon, walang coding,” pagmamalaki pa niya.

Medyo nakakapanibago lang daw dahil walang physical control at lahat ay nasa screen.

“Price wise, it’s not bad at all,” sey pa niya.

Natatawang pagbibiro pa niya, “am I endorsing Tesla?” dahil nagmukha nga kasi siyang endorser sa kanyang car tour.

“I’m content,” sey pa ng aktor tungkol sa kanyang nabiling sasakyan

Sam turned 41 years old las May 23.

LUIS MANZANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »