115 illegal aliens pinalayas na sa ‘Pinas
MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kontra sa mga illegal aliens at iligal na POGO operations sa bansa ay mahigit 115 foreign nationals ang ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI).
Karamihan sa mga ipinadeport ay naaresto dahil sa pagtatrabaho sa POGO industry nang walang tamang dokumento—isang sektor na isinasailalim na ngayon sa mahigpit na pagbuwag dahil sa ugnayan nito sa kriminal na sindikato, cybercrime, at human trafficking.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang deportasyon ay malinaw na mensahe na hindi papayagan ng Pilipinas ang sinumang dayuhan na aabuso sa ating mga batas.
Ang deportasyon ay isinagawa mula Hunyo 3 hanggang Hunyo 6, kabilang ang mga Vietnamese, South Korean, at Malagasy Ang deportasyon ay isinagawa mula Hunyo 3 hanggang Hunyo 6, kabilang ang mga Vietnamese, South Korean, at Malagasy nationals, na ngayo’y blacklisted na sa bansa.
Ayon pa sa BI, magpapatuloy pa ang mass deportations sa mga darating na linggo. Babala rin ng ahensya, malugod nating tinatanggap ang mga lehitimong bisita at mamumuhunan, pero ang mga lalabag sa batas—tiyak na ide-deport at pagbabawalang makabalik.
- Latest