^

PSN Opinyon

Pigilin ang galit

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KAPAG hindi napigilan ang galit, ang mga sumusunod ang maaring mangyari sa inyo:

1. Altapresyon – Kapag nagalit, puwedeng tumaas ang blood pressure. Puwedeng umabot sa 180/100.

2. Istrok – Kapag tumaas ang presyon, posibleng pumutok ang ugat sa utak. Ang tawag dito ay brain hemorrhage na madaling makamatay.

3. Atake at sakit sa puso – Narinig mo na siguro na may taong inatake sa puso pagkatapos magalit. Sobrang stress ang dahilan nito.

4. Pagdurugo ng mata – Maraming pasyente na ang na­bulag ang mata dahil sa matinding galit. Pumutok ang ugat sa loob ng mata.

5. May koneksyon din sa pagkagalit ang kanser, diabetes, asthma, sakit sa likod, at iba pa.

Para mabawasan ang galit gawin ang mga sumusunod:

1. Mag-ehersisyo – Nakababawas ang ehersisyo sa stress at tensiyon sa katawan.

2. Magpahinga nang sapat – Huwag magmadali at sobra­han ang iyong trabaho. Kapag hindi ka overworked, mas hindi iinit ang iyong ulo.

3. Habaan ang pasensiya – Huwag maging perfectionist­. Tanggapin na talagang may nahuhuli sa mga schedule, meeting at oras ng biyahe.

4. Ayusin ang pag-iisip – Alamin ang mga bagay na mabilis magpainit sa iyong ulo. Bago pa ito mangyari, mag-isip na ng paraan para makaiwas dito.

5. Maghintay ng ilang oras – Kung may kaaway ka, huwag agad siyang harapin. Mag-deep breathing exercises muna. Huminga nang malalim at mabagal ng 10 beses.

6. Maging abala sa magandang gawain – Kapag ika’y walang ginagawa, magiging mas mainitin at mainggitin ka sa iba. Ngunit kung abala ka sa sariling proyekto, wala ka nang panahong magalit pa sa iba.

7. Libangin ang sarili – Kapag nararamdamang umiinit ang ulo, ibaling ang iyong isipan sa iba. Magbasa o mag-isip ng magagandang bagay.

8. Huwag daanin sa alak ang galit – Masama ang alak sa katawan.

9. Ilabas ang iyong galit sa tamang paraan – Pumunta ka sa lugar na walang tao at dito mo ilabas ang iyong inis. Puwedeng ikuwento ito sa isang kaibigan.

11. Magpatingin sa doktor – Baka naman may altapresyon o sakit ka sa thyroid. Ang mga sakit na ito ay puwedeng magpainit ng ulo.

12. Ipagpasa-Diyos ang lahat – Ipagdasal ang iyong kaaway. Hayaan mo nang iba ang lumaban sa kanya at huwag nang ikaw. Umiwas na lang sa iyong katunggali. Lilipas din iyan.

Para mapahaba ang buhay sundin ang mga sumusunod:

1. Maging maingat –Ang maingat na tao ay maaaring mas alam ang kanilang pangangailangang pangkalusugan. Pinipili niya ang mas masustansiyang pagkain. Ipinapakita rin sa isang pag-aaral na ang mga batang hindi maingat ay namamatay ng maaga. Ang isang leksyon ay turuan ang ating mga anak na alalahanin ang kanilang kalusugan.

2. Isipin na bata pa – Kapag inisip mo na ikaw ay matanda na, mararamdaman mo na ikaw nga ay matanda na. Ngunit kung iisipin na ika’y bata pa ay ang iyong katawan ay susunod. Panatilihin na ikaw ay bukas sa mga bagong hamon at oportunidad kahit na ano pa ang edad. Pag-aralan ang mga bagong technology sa halip na ito ay iwasan. Makisalamuha sa mga mas bata sa iyo para mahawahan ng kanilang lakas. Kumain ng sapat, huwag manigarilyo, at tumulong sa komunidad.

3. Panatilihin ang aktibong isip – Gamitin ang utak. Kung hindi gagamitin, manghihina ito. Huwag agad na magretiro sa trabaho. Isaalang-alang ang pagbalik sa eskwela kahit na may edad na. Patuloy na gawin ang gusto mong gawin. Sa isang pag-aaral, ang mga taong patuloy na aktibo sa pagbabasa, pag-aaral at paglutas ng mga puzzle ay 50 percent na hindi magkaka- Alzheimers.

4. Manatiling payat – Bukod sa pagiging sobra sa timbang ay malinaw na isang kadahilanan ng panganib sa pagtaba ay ang sakit sa puso, diabetes at arthritis. Ang isang pag-aaral noong 2006 ng National Institute of Health ay nagpakita na ang pagtaas ng timbang ay konektado sa mas maikling buhay. Kaya maging masaya kung ikaw ay payat.

GALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »