Kaanak ng EJK victims humingi ng tulong sa NBI

MANILA, Philippines — Humingi kahapon ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pamilya ng mga biktima ng war on drugs para imbestigahan ang “coordinated online harassment campaign” laban sa kanila.
Ayon sa grupo, tumindi ang pag-atake sa kanila matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na kabilang sa mga nararanasan ng mga kaanak ng extra judicial killings ang mga pag-atake sa Facebook—kabilang ang mga dinoktor na larawan, gawa-gawang salaysay, misogynist at disinformation para siraan siraan ang pamilya ng mga biktima at ang kanilang abogado.
Sa ulat ng ABS-CBN, inihayag ni NUPL-NCR Secretary General Maria Kristina Conti na tumindi ang pag-atake sa mga kamag-anak ng biktima ng EJK pagkatapos maglabas ng warrant of arrest ang ICC para kay Duterte. May mga pagbabanta rin aniya sa buhay ng mga nakakatanggap ng pananakot.
“Merong ibang content na ‘mag-ingat ka, hindi ka na sisikatan ng araw.’ Sa panahon ngayon at sa konteksto ng sitwasyon, ay hindi dapat ‘yan isantabi o balewalain kasi maraming baka kung anong isipin dyan,” ani Conti.
- Latest