Guevarra out, Berberabe bagong SolGen

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Dean Darlene Berberabe bilang bagong Solicitor General kapalit ni Menardo Guevarra matapos tanggapin ng una ang isinumiteng courtesy resignation ng huli.
Ibinahagi ng Presidential Communications Office sa social media ang larawan ng panunumpa ni Berberabe.
Si Berberabe ay nagsilbing dean ng University of the Philippines College of Law.
Bago ang panunumpa ni Berberabe, kinumpirma mismo ni Guevarra na may kapalit na siya sa posisyon at babalik na siya sa tahimik na pribadong buhay.
Magugunita na naging kontrobersyal si Guevarra matapos itong tumanggi na maging kinatawan ng pamahalaan sa kasong isinampa sa Korte Suprema kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
- Latest