Marcos gusto makipagbati sa mga Duterte
Ayaw na ng gulo
MANILA, Philippines — Handa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-abot ng rekonsilyasyon sa pamilya Duterte matapos magkalamat ang relasyon nila ni Vice President Sara Duterte.
Sa unang episode ng kaniyang podcast, sinabi ng Pangulo na ayaw niya ng gulo at gusto niyang makasundo ang lahat ng tao.
Sinabi ng Presidente na marami na siyang kaaway at ang kailangan niya ay kaibigan upang maayos na magawa ang trabaho sa gobyerno.
“Oo, ayaw ko ng gulo. Gusto ko makasundo sa lahat ng tao. Mas maganda. Marami na akong kaaway. Hindi ko kailangan ang kaaway, kailangan ko kaibigan,” saad ng Pangulo.
Nais ng Presidente na magkaroon ng kapayapaan at katatagan upang magawa ang mga trabaho at bukas siya para sa pakikipagkasundo.
Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na mas magandang nagtutulungan at kahit hindi magkasundo sa polisiya, ang mahalaga ay maalis ang gulo.
Matatandaang nag-ugat ang hidwaan sa pagitan ng Pangulo at pamilya Duterte nang ipaaresto ng gobyerno si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Interpol at dalhin sa International Criminal Court (ICC) sa Netherlands upang harapin ang kasong crimes against humanity na isinampa laban sa kaniya.
- Latest