^

Police Metro

Duterte Youth pumalag sa Comelec sa hindi pagproklama

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsampa kahapon ang Duterte Youth Partylist, isa sa mga top partylists sa katatapos na 2025 midterm elections ng petisyon sa Supreme Court (SC) laban sa Commission on Elections (Comelec) dahil sa hindi pagproklama sa kanila noong Lunes.

Ayon sa Duterte Youth Partylist, hindi sila isinama ng Comelec sa 54 pang partylists na iprinoklama bagama’t sila ang No. 2.

Ang mga Duterte Youth nominees ay sina incumbent Rep. Drixie Cardema, isang 28-anyos na military reservist mula sa University of the Philippines at vice chairman ng House Committee on National Defense and Security; Berlin Lingwa mula sa Philippine National Police Academy; at Ron Bawalan ng Philippine Military Academy.

Sinabi ng Duterte Youth na bagama’t ibinoto sila ng 2.3 milyon Filipino ay sinadya silang umanong hindi iproklama ng Comelec dahil sa umano’y ­“serious allegations” sa kasong isinampa ng leftist Kabataan Partylist noong 2019 na sinagot na nila.

“Sinagot na namin lahat iyan sa Comelec noong 2019. Mga mababaw na issue na wala naman katotohanan. Pinaupo na kami noon after manalo sa 2019 elections at ngayon na milyun-milyong Pilipino ang bumoto samin, ngayon mismong araw ng proclamation sasabihin na i-hold muna dahil serious ‘yung allegation ng Kabataan PartyList noong 2019,” ani Partylist chairman Ronald Cardema.

Nagbanta si Cardema na kung hindi sila umano  bibigyan ng pagkakataon para mapasama sa Kongreso ay ibubunyag niya ang mga nangyayari sa House of Representatives at sa Comelec kung paano sila umano kumikita ng milyon sa mga paggawad ng mga desisyon, sa mga partylist accreditations, congressional projects at funds.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »