Ogie at Regine, halu-halo ang pakiramdam sa kasal ni Leila
Isang grand reunion sa pamilya ng OPM king, singer-songwriter, hitmaker, host, talent manager at concert producer na si Ogie Alcasid at misis nitong Asia’s songbird na si Regine Velasquez sa nalalapit na kasal ng panganay ni Ogie sa kanyang ex-wife, ang Australian former beauty queen at actress-host na si Michelle van Eimeren, na si Leila Alcasid sa fiancé nitong musician na si Mito Fabie who is professionally known as Curtismith.
Darating sa Pilipinas ang ex-wife ni Ogie na si Michelle van Eimeren at mister nito ngayon, ang Australian national na si Mark Murrow, kasama ang second daughter nina Ogie at Michelle na si Sarah na isang nang full-fledged nurse in Sydney, Australia.
Kahit nung 2007 pa napawalang-bisa ang kasal nina Ogie at Michelle ay nanatiling magkaibigan ang dalawa hanggang ngayon dahil na rin sa kanilang dalawang anak.
Hindi lamang si Ogie ang close sa mag-asawang Michelle at Mark kundi close rin ang dalawa sa misis nitong si Regine maging ang kanilang kaisa-isang anak na si Nate.
Bibihira ang katulad nina Ogie at Michelle na kahit hiwalay na ay napanatili ang pagkakaibigan at respeto sa isa’t isa maging ang mga taong nasa kanilang paligid.
May mga pagkakataong dumarayo ng Australia ang mag-asawang Ogie at Regine kasama si Nate gayundin sina Michelle at Mark with Sarah sa Pilipinas.
There are also times na magkakasama silang nagta-travel sa ibang lugar na kumpleto sila kasama ang mga bata.
Mixed emotions ang nararamdaman ngayon nina Ogie at Regine sa nalalapit na kasal nina Leila at Mito.
Anak din ang turing ni Regine sa dalawang anak ni Ogie kay Michelle na sina Leila at Sarah laluna sa una dahil matagal nila itong nakasama sa bahay nang magdesisyon si Leila na mag-relocate sa Pilipinas from Sydney, Australia.
Kay Regine rin ipinagbilin ni Michelle si Leila and the Asia’s Songbird took her responsibility seriously.
“Hindi naman mahirap mahalin ang mga anak ko,” pagmamalaki ni Ogie during our exclusive interview with him sa aming online show, ang TicTALK with Aster Amoyo sa aming YouTube channel.
JANICE, JOHN AT KAILA,
‘DI NABABAKANTE!
Alam mo, Salve A., nakakatuwa ang dating mag-asawang Janice de Belen at John Estrada maging ang kanilang anak na si Kaila Estrada dahil hindi sila nawawalan ng trabaho sa Kapamilya channel.
Katunayan ang tatlo ay kasalukuyang napapanood sa magkakasunod na primetime TV series – si John sa Batang Quiapo, si Kaila sa Incognito habang si Janice naman ay napapanood sa Saving Grace.
Minana ni Kaila ang husay sa acting ng kanyang separated parents na sina Janice at John.
Parehong action-drama ang tema ng Batang Quiapo at Incognito habang family drama naman ang Saving Grace.
Samantala, ano na kaya ang nangyari sa career ng panganay nilang anak na si Inah de Belen na nasa pangangalaga ng GMA?
- Latest