^

Pang Movies

Faney ni Ate Guy, sinugalan ni RS

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Dinagsa ng supporters and loyal fans ng pumanaw na Superstar at National Artist na si Nora Aunor ang special scree­ning ng pelikulang Faney na ginanap sa Gateway Mall Cinema last Wednesday, May 21, na eksaktong kaarawan ni Ate Guy.

Ang Faney ay tribute film para kay Ate Guy na idinirehe ni Adolf Alix, Jr. at pinagbibidahan nina Laurice Guillen at Gina Alajar. Ang nag-produce naman ay Frontrow International, Intele Builders, Noble Wolf and AQ Films.

Punung-puno ang Cinema 11 ng Gateway Mall dahil sa pagdagsa ng Nora­nians at marami pa ngang hindi nakapasok.

Present sa special screening ang dalawang anak ni Ate Guy na sina Ian and Kenneth de Leon, ang direktor and producers, gayundin ang cast na sina Gina, Laurice and Althea Ablan.

Ayon sa isa sa producers na si RS Francisco ng Frontrow International ay isa rin siyang tagahanga ni Ate Guy at nang yumao raw ito ay nasa ibang bansa siya’t walang way para makauwi dahil sa mga commitment niyang naka-schedule the whole week.

He was thinking of a way kung paano makakabawi kay Ate Guy na once pa lang daw niya na-meet ay humanga na siya sa kabaitan at pagiging humble nito.

Timing naman daw na nag-message sa kanya si Direk Adolf na dati na rin niyang nakatrabaho at sinabing baka gusto niyang pag-usapan nila pag-uwi niya ang proyekto nito tungkol sa fans ni Nora.

Sey ni RS, hindi na raw siya nagdalawang-isip pa at umokey na agad sa mee­ting na naganap pag-uwing pag-uwi niya sa Pilipinas.

Nang ikwento sa kanya ni Direk Adolf ang kwento ng Faney ay kaagad na nagbigay na si RS ng green signal para gawin na ang pelikula.

Ibinahagi rin ni RS ang unang pagkikita nila ni Ate Guy way back in ‘90s nang mapag-utusan daw siya na sunduin ang Superstar sa bahay nito sa La Vista.

Kahit karag-karag ang sasakyang kayang hiniram lang ay sumakay raw si Ate Guy nang walang reklamo.

Nang huminto sila sa gasolinahan para magpa-gas ay nakilala raw ng mga batang kalsada si Nora at dinumog na ito.

Ang ginawa raw ni Ate Guy ay bumaba at pinapila lahat ang mga bata at ibinigay raw lahat ang perang laman ng wallet nito.

Ang Faney ay tumatalakay sa isang lolang loyal Noranian (played by Laurice) na kahit may karamdaman na ay nagpilit na makapunta sa burol ng Superstar.

For sure ay maraming makaka-relate na Noranians sa kwento sa mga eksena at dialogues sa pelikula.

Ang katabi nga naming veteran reporter na si Erlinda Rapadas ay relate na relate sa dialogue ni Laurice na sumasampa pa raw siya sa bakod ng Sampaguita Pictures para makita lang si Ate Guy dahil ganu’ng ganu’n din daw ang ginagawa niya noon. Hahaha!

Anyway, in fairness to Laurice, wala pa rin siyang kupas. Ang galing-galing niya sa kanyang mga eksena lalo na nga sa mga parteng mata lang ang kanyang ginagamit.

‘Yun nga lang, wala pang playdate kung kailan ipalalabas ang pelikula sa sinehan at kasalukuyan pa raw pinag-uusapan ng mga producer. Pero ang importante, nakagawa raw sila ng isang pelikula na nagbibigay-pugay sa ating nag-iisang Superstar.

NATIONAL ARTIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »