^

Punto Mo

‘Siyudad’ na gawa sa LEGO, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Opisyal nang kinilala ang Brickopolis Lourinhã sa Portugal bilang may hawak ng Guinness World Records title para sa “Largest LEGO Brick Diorama”. May sukat ito na kayang magparada ng apat na sasakyan.

Ipinakikita sa detalyadong LEGO city ang iba’t ibang bahagi ng isang komunidad, kabilang ang mga suburban houses, kalsada na puno ng iba’t ibang klase ng sasakyan, paliparan, beach, dinosaur park, at mga luntiang kagubatan.

Gumamit ang mga lumikha nito ng 239,444 LEGO bricks para mabuo ang 366 na sasakyan, 176 na puno, at 2,328 na bulaklak. Makikita rin ang mga iconic structures tulad ng Big Ben-style clock tower, lighthouse, Ferris wheel, at isang suspension bridge.

Matatagpuan ang Brickopolis sa Parque dos Dinossauros da Lourinhã, isang open-air museum at theme park. Ito ang pinakamalaking dinosaur-themed park sa Portugal, na may lawak na 10 hectares, at nagtatampok ng higit sa 120 life-size na modelo ng mga dinosaur at iba pang sinaunang hayop.

Bumilib ang mga nakasaksi sa tindi ng detalye ng diorama. Sa paliparan, makikita ang mga trailer na nagdadala ng mga bagahe habang sa tabi ng dagat ay may lighthouse na nagsisilbing gabay sa mga barko. Hindi rin nakaligtaan ang fun fair na may Ferris wheel at merry-go-round na nagdaragdag ng saya sa buong LEGO city.

Patuloy na dinarayo ng mga turista at LEGO ­enthusiasts ang Brickopolis Lourinhã upang masaksihan ang obra ­maestrang ito. Pinatunayan nito na sa pamamagitan ng dedikasyon at pagkamalikhain, posibleng bumuo ng isang buong lungsod mula sa maliliit na piraso ng LEGO—isang patunay ng walang limitasyong imahinasyon.

LEGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »