Balasahan sa Gabinete tinukuran sa Kamara
MANILA, Philippines — Suportado ng ilang lider ng Kamara ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng ‘recalibration’ o reorganisasyon sa Gabinete ng administrasyon.
Ayon kay House Minority Leader at 4Ps Partylist Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan, ang mga gabinete ng administrasyon ay mga ‘alter ego’ ni PBBM at para sa ikabubuti ng lahat ang hakbanging ito.
“We welcome President Ferdinand Marcos Jr.’s decision to reorganize the Cabinet—a move that underscores his ongoing commitment to responsive and effective governance,” ani Libanan.
“This decisive action reflects the President’s resolve to uphold the highest standards of public service by placing the right individuals in key positions to address the ever-evolving needs of the Filipino people,” giit pa ng solon.
Ang desisyon ng Pangulo na pagbitiwin ang kaniyang mga gabinete ay matapos anim lamang sa 11 kandidato sa pagka-Senador ang nagwagi sa katatapos na midterm elections na labis na ikinadismaya ng Punong Ehekutibo.
Sa panig naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Overall Chairman ng Quad Comm, napapanahon ang bagong marching orders para iimplementa ‘reinvigorated system; sa gobyerno kung saan ang mga pagbabago ay matatanggap ng publiko lalo na ng mga mahihirap.
“The President is on the right track. And he must act promptly and decisively in order to preserve the gains of his administration,” giit pa nito.
Ang hindi umano magandang performance ng ilang miyembro ng Gabinete ang dahilan kung bakit hindi nakarating sa publiko ang mga magandang nagawa ng administrasyon.
- Latest