^

Bansa

Reconciliation ni Marcos ‘di lang sa mga Duterte

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Reconciliation ni Marcos ‘di lang sa mga Duterte
This combination photo shows former President Rodrigo Duterte and President Ferdinand Marcos Jr.
Presidential Communications / Toto Lozano | Bongbong Marcos / Release

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Malakanyang na hindi babaliin ang batas para lamang makipagkasundo sa iisang tao o ilang indibidwal.

Ito ang tugon ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa mga hirit ni Atty. Harry Roque na kung talagang sinsero ang Pangulo sa tinuran nitong pakikipag-ayos sa mga Duterte ay pauwiin nito sa Pilipinas si dating pangulong Rodrigo Duterte na nakapiit sa The Hague, Netherlands.

Nais din ni Roque na magpa-hair follicle ang Pangulo at ipatigil ang impeachment case laban kay Vice-President Sara Duterte.

Subalit giit ni Castro, hindi dapat lang na itutok sa mga Duterte ang pakikipag-ayos o open reconciliation kundi ang gusto ng Pangulo ay makipagkasundo sa lahat ng tao para magkaroon ng stability at magampanan ang mga dapat na gampanan na hindi madiskaril ang trabaho ng gobyerno.

“Tandaan po natin hindi po magpapahawak sa leeg at hindi po magpapadikta ang Pangulo sa mali. Hindi po tatalikuran at babaligtarin ng Pangulo ang batas para lamang pagsilbihan ang personal na interes ng iba,” pahayag pa ni Castro.

Magsasakripisyo na rin aniya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahit sinisiraan siya  at binibigyan ng maling trabaho at ginagawan ng fake video.

Hindi rin dapat aniya isentro sa mga Duterte lang ang alok ng Pangulo na reconciliation  ay para ito sa lahat ng tao.

“So tandaan po natin, lagi pong sa batas ang pangulo. Kaibigan o batas? Batas pa rin po ang pipiliin ng pangulo,” pahayag pa ni Castro.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »