Early at mall voting ipatutupad din sa BSKE sa Disyembre

MANILA, Philippines — Ipatutupad muli ng Commission on Elections (Comelec) ang mga pagbabago na ginamit sa May 12 midterm elections sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre.
Sinabi ito ni Comelec spokeperson John Rex Laudiangco sa panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon.
Kabilang sa mga inobasyong ito ang maagang pagboto, pagboto sa mall, at mga prayoridad na lugar ng botohan para sa mga mahihinang sektor.
Idinagdag ng poll body official na tinitingnan din nila ang paggamit ng automated counting machines (ACMs) sa ilang bahagi ng bansa.
“And the Comelec also plans maybe in some parts of the country, although manual elections, baka pwede natin subukan yung mga ACM,” ani Laudiangco.
“Although sa barangay lang... gusto naming malaman kung gaano kabilis ang proseso, which is an advantage.”
Sinabi ni Laudiangco na magpapatuloy ang Comelec sa paghahanda para sa BSKE na itinakda sa Disyembre 1 kung walang batas na nagpapaliban dito.
Hangga’t wala pang bagong batas na nagsasabing ipagpapaliban tuloy ang paghahanda, alinsunod sa Korte Suprema.
Para sa paparating na BSKE, ang panahon ng halalan ay mula Oktubre 21 hanggang Disyembre 31, 2025, ayon sa Comelec Resolution No. 11132 na inihayag noong Abril 21.
- Latest